"Ang Sikat na Bulkang Mayon"
Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Kilala ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ito ay hinahalintulad din sa Mt. Fuji sa Japan dahil nga sa napakaganda at perpektong hugis nito. Unang kinilala bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000. Ito ay pangunahing palatandaan sa lalawigan ng Albay. Ito rin ay mas taas na 2,462 metro o 8,077 talamapakan.
Ang Bulkang Mayon ay isa sa mga Tourist spot ng napakagandang bansa ng Pilipinas. Ito rin ay dinarayo ng napakaraming mga turista. Nagsisidayo pa rito ang mga galing sa malalayong lugar masilayan lamang ang kagandahan ng Bulkang Mayon. Nagtataglay ito ng napakagandang mga tanawin at ng napakaaliwalas na kapaligiran. Nakapagbibigay din ito ng relaxation sa mga taong dumarayo dito dahil sa angkin nitong ganda.
Halina't pumunta na sa pinagmamalaki naming Bulkang Mayon. Matatagpuan ito sa Albay, Pilipinas. Huwag ng magdalawang isip na pumunta dito dahil hindi mo pagsisisihan ang pagdalaw sa napakagandang lugar na ito. Maari kang magliwaliw dito at magkapagrelax, kalimutan muna ang mga problema at namnamin ang taglay na kagandahan ng Bulkang Mayon.
Galing galing😁👏👏👏
TumugonBurahingaling sana ol
TumugonBurahinSanaol
TumugonBurahinWow
TumugonBurahinAng Ganda😍
TumugonBurahinPang assignment
TumugonBurahin